The Writers' Guild Philippines

The Writers' Guild Philippines consists of Tumblr Writers from the different parts of the country grouping together as one to share their writings to everyone.

This blog is also designed to foster the friendship and/or camaraderie among the members of the guild.

This is our official TAG.



Ask / Submit
The Writers:

bonfiresandsandcastles:

Away, farther We surged
from… otherwise decayed trumpets.
Never along hopped certainty
but the strict probability of impulse:
to be dazed and dozed and skid off the highway.
Yet, yes, a cafe not a hotel was awake
in that blank finite hour.
Espresso, please. We ordered. Two—
the cashbox gasped then spat receipt.

So hence We forgot sleep
and continued to drift.

Wind howled,
trees brushed each other’s leaves.
Only the headlight lit the road.
Not the moon nor the stars
but Our tepid car.

Tete-a-tete

The girl made a sauce out of the tomato.


I am certain that the pain I feel revolves around the sun

Making my meat tender until it turns blue to its crust

Ocean by ocean, I by now have filled with the saltiest of tears

Grinding a cloth to tone down the futile scream.

Each of the keys I portray didn’t open any door

Near suicide only caused a ceiling to fall

Even a venomous drug spoiled my attempt to set off.

Puberty!

For how many men have worn skirts to join Tarzan

And devour nameless vegetation to worsen the taste of manhood

Remedy does end only if no female peeps in your farm

And laughs at it until it creates a tomato out of your hood.

Oh, a naughty unavoidable lady acquaintance

Nudged my unripened circumstance!

gorankun:

Cirrus Aviaticus (August 9, 2014)

joshexmachina:

Naranasan ko nang lumuhang walang luha. Iba iyong pakiramdam. Kasing ‘di komportable ng natataeng hindi matae. Kasing dismayado ng nadidighay na hindi makadighay. Kasing sakit ng nagmamahal na ‘di makapagmahal, o ‘di man lang mahalin pabalik.

Maiimbak iyong mga luhang ‘di lumalabas mula sa maliliit na butas sa namumulang mata, hanggang sa kaya na nitong punuin ang isang baso, ang isang tabo, ang balde, ang dram, isang malaking tanke, ang ilog, ang dagat, ang karagatan.

E bakit nga ba hindi mailuha ang mga luha? 

Isang kahon ng mga Precious Hearts Romances ang binasa ko noon, ilang typographical errors sa Wattpad, apat na libro ng matagal na pag-aabang ni Bella upang maging aswang, manaka-nakang readings na binigay ni Reno at ni Sempai, tatlong tula na galing kay Kim, ang koleksiyon ng mga piyesa para kay Maningning Miclat, ang Lumbay ng Dila, marami-raming pinanuod na Disney movies, Magnifico, Tanging Yaman, Never Let Me Go at iba pang pelikulang nasa hard drive ko, mga malulungkot na tagpo sa FRIENDS at How I Met Your Mother, paggunita sa mga alaala noong gabing iyon, sa mga kwento ng mga Malateño, pagninilay-nilay sa nangyayari sa amin ngayon at sa kaartehan ko, sa mga retrato ng magulang at kapamilya, sa maruming kwarto, sa maruming mundo, sa maruming katawan, sa maruming isipan, sa maruming kaluluwa, sa nakaraan, sa kasalukuyan, sa hinaharap. Sa dios.

Lumitaw ang lahat ng iyan sa isipan ko, parang flashback na flashforward. Mga parikalang parirala, ‘di natatapos pero kailangang tapusin para magkaroon ng kahulugan kahit hindi naman magkakaroon kailanman o sa kung hanggang saan ang kayang abutin ng panahon o ng isipan natin na maaaring nandyan ngunit wala naman talaga.

Wala naman talagang dahilan, o dahilan talagang wala naman. Hindi ako sigurado sa simula o sa pinagmulan, o sa pinanggalingan ng napakaraming bagay lalung-lalo na sa luhang ‘di mailuha pero sigurado ako sa katapusan. 

Dalawa lang naman ang kahihinatnan ng mga luhang ‘di mailuha:

1. Ang mga nakasarang tear ducts ay bubuka, parang rosas na mamumukadkad sa panahon ng pag-asa, mawawala ang bumarang alikabok, muta, ang hapdi ng bawat kasalanan hanggang sa tumuloy sa paglabas ng maalat-alat at mapait-pait na likido. Gagaan ang katawan at isasabay ng hangin sa kanyang musika; o

2. Mananatiling nakasara ang lagusan ng mula loob sa labas, barado kagaya ng banyong ilang buwan nang ‘di nililinisan, ang kumpol ng buhok at libag at dumi ay dumikit na sa mismong tubo, ‘di maaalis. Siyempre, hindi panghabang buhay tatambay ang mga luha sa mga matang bumubulwak. Babalik ito, ang mga luhang ‘di mailuluha kailanman sa kaloob-looban, pupunuin ng bigat ang puso at matatakpan ng burak ang utak hanggang sa pati ang dugo ay maging malapot na itim, may halong luntian ng lumot.

Tapos maaalala ko siya. Iyong ngiting madalas pa rin niyang ipakita sa iba. Iyong tawang tumatama at tumatalbog sa mga pader at kisame, umaabot sa karatig opisina. Iyong ‘di ko maintindihang pagpapatong-patong at pagkakadikit-dikit ng mga ‘di maiayos na mga hibla ng buhok.

Tapos maalala ko sila. Iyong mga ngiti, mga yakap, mga halik na sa tuwing tinatanggap ng taong burak na sa loob, mas nakakadagdag sa mga luhang ‘di mailuha.

Tapos maaalala ko iyong iba. Iyong kagaya ko, iyong hindi ko kagaya.

Tapos maaalala ko ang sarili ko. Ang ‘di mailuha ang mga luha.

Tapos maaalala kita. Ang mambabasang alam ko’y magkakaroon ng malaking parte rito.

Madaragdagan lang naman nang madaragdagan ang mga hindi ko mailuluhang mga luha dahil alam kong kapag nanatiling sarado ang butas na magpapakawala sa lasong nananatili sa loob ko, hanggang sa pagdating ng dakilang manunubos, hanggang sa lamunin ang lahat ng lupa, sunugin ang lahat ng apoy, lunurin ang lahat ng tubig, kahit ang matira na lang sa akin ay ang mga kalansay, o kahit hanggang sa maging abo na lang ako at pati ang mga abong iyon ay maglaho, ‘di pa rin ako luluha.

joshexmachina:

Alam mong makikita mo si Maria nang mapabalikwas ka sa kalaliman ng gabi. Basang-basa ng pawis ang iyong kupas na kamiseta kahit bukas ang bintanang pinapasukan ng hanging Amihan at nakatutok sa’yo ang maingay na bentilador. Susulyap ka sa orasang nakapatong sa lamesa: alas dose na ng hating-gabi. Nandirito na si Maria, sasambitin ng iyong isipang kanina lamang ay mahimbing ring natutulog ngayo’y sabik sa pagbabalik ng babae sa lupa. Magkakaroon pa ba ng ibang pagkakataon, itatanong naman ng pusong unti-unting nagkakamalay. Ito na ang una at huling pagkakataong masusulyapan natin si Maria, isasagot ng diwa pabalik, ngayo’y nag-aalab na. Madali ka, matagal mo na ring inaabangang masulyapan ang kagandahan, ang mukhang nais hagkan ng lahat ng kalalakihan, pagdagdag ng iyong kaluluwa. Isisigaw na sana ng pagod mong katawan ang kanyang hinaing ngunit ‘di mo ito pakikinggan. Ano ba ang ilang oras na pagtitiis sa panghabang buhay na alaalang iiwan ni Maria sa iyo sa oras na masaksihan mo ang kanyang pagbabalik? Minsan lamang, lalo na’t mailap si Maria sa amin, pilit nagtatago sa matapang na amoy ng mga lalake at tanging sa mga babae lamang nagpapakita.

            Ika’y magmamadali, dala hindi lamang ng kagustuhang humimlay muli sa iyong malambot na kutson— ang unang para bang bulak ay magsisilbing libingan ng iyong ulo at mga pag-aalinlangan, ang mainit na kumot nama’y kalasag sa panganib ng realidad— kundi para maging panatag ang sariling kalooban. Ilang taon mo na ring hinahanap si Maria at ngayong makikita mo na siya’y ‘di mo palalampasin ang pagkakataong ito, tuluyang iiwan ang silid mong walang laman maliban sa kama at isang malaking salamin. Hindi ka na nagpalit kahit nahihiya kang makita ni Maria na ganyan ang pananamit, walang pinagkaiba sa mga nilalang na winawalang-bahala ang duming kumakapit sa kanilang balat na dahan-dahan nitong sinisipsip, hahalo sa kanilang maitim na dugo, babaon sa kanilang mga buto hanggang sa sila ay ‘di lamang madumi ngunit ang dumi ay mismong sila.

            Malakas ang kalampagan ng tarangkahan sa tahimik na gabi. Walang tao sa kahabaan ng kalsada, ‘di kagaya ng mga nakaraang paglabas mong puno ng ingay ang mga eskenita ng siyudad. Magiging mas madali ang paghahanap natin kay Maria, wika ng iyong isipan. Magsisimula kang maglakad, susundan ang mga tinig sa iyong kalooban at ang daanang inilawan ng mga posteng nagsisilbing gabay, hindi mamamalayan ang bakas ng dugo sa gilid ng kalsada.

 .

Kaliwa, kanan, diretso, kanan, kaliwa, kanan, kanan, diretso. Pakiramdam ko’y naliligaw tayo, ibubulong ng diwa sa iyo. Lilingunin mo ang paligid at tutuloy sa eskinitang mas maliwanag sa iba, tatambad ang sunod-sunod na naghihilerang mga papag na nilalatagan ng mga gulay at prutas, nahahalo ang sariwa sa nabubulok, at sa tabi ng unang papag ay ang babaeng bitbit ang humahagulgol na sanggol, iniimpit ang hinaing ng hapong katawan sa maghapong paglalako. Lalabas ang isang batang may hawak na kwaderno’t lapis, hihilahin ang bestida ng Babae, at babalikan ng isang malakas na sigaw. Lalapit ka at lalakasan ang boses, paiibabawan ang ingay na nanggagaling sa bata.

            “Ikaw ba si Maria?”

            Lilingunin ka ng babae habang hinihila ng bata ang kanyang bestida at tumutulo ang laway ng sanggol sa kanyang braso. “Ang pangalan ko’y Maria ngunit hindi ako si Maria.” Lalabas sa kanyang natutuyong labi ang mga panahong inakala rin niyang siya si Maria at ang pangala’y hindi lamang maskara. Maaalala niya ang mga matatamis na ngiti ng kanyang ina at ama at ate at kuya at init na dala ng kanilang mga yakap, ang buhay na hindi marangya ngunit hindi rin hikahos sa biyaya at kagaya ng pangingibabaw ng iyong isinigaw na tanong ay mangingibabaw rin ang alaala niya ng walang kasing tamis na ngiti at walang kasing init na yakap ng lalakeng naglayo sa kanya sa kanilang lahat. Dinala siya ng mangingibig sa isang malayong lugar, kung saan lahat ng panaginip ay totoo at ang kamatayan at kalungkutan ay ‘di siya maaabutan. Kay saklap nga lang na ang lahat ay nawasak sa paglipas ng ilang buwan, nang magsawa ang mangingibig sa kayang ibigay ng babae at ito’y nag-uwi ng panibagong musa. Ang kalungkutan ay nagdulot sa pagbabago ng bata sa kanyang tiyan, ang mga maliliit na daliri ay nagkaroon ng matatalas na kuko, tumubo ang pangil, ang buntot, ang sungay. ‘Di niya akalaing makalipas ang ilang taong panlalamig ay muli siyang aanakan ng panibagong halimaw. Lalabas mula sa kanyang labi ang isang malalim na buntong hininga, kasunod ang pagputol sa alaala.

            Iiwanan mo ang babaeng nagngangalang Maria ngunit hindi si Maria, at susundang muli ang mga posteng nagsisilbing liwanag, ngunit hindi nito ipinapakita ang lumalawang dugo sa maruming estero.

 .

Sa iyong paglalakad ay matatagpuan mo ang isang gusali. Nakatayo ang mga babaeng puno ng kolorete ang mukha, matitingkad na kulay ang nagkalat sa kakapiranggot na damit, sa harap ng mga ilaw na hindi naman nagbibigay ng sapat na liwanag para maaninag ang kanilang mga sarili. Papasok sa loob ang lahat at maiiwan ang isa. Lumapit ka at mag-abot ng isang daang piso, utos ng iyong isipan.

            ”Ikaw ba si Maria?”

            Tatanggalin niya ang upos ng sigarilyo sa kanyang mapupulang labi at bubuga ng usok sa dati nang mausok na hangin. “Hindi. Si Maria’y walang bahid ng kasalanan at ang bawat pagkakasala ko’y aking ginusto, aking ninais.”

            Isasalaysay niya sa’yo ang kanyang buhay bago mo hinanap si Maria. Nagmula siya sa isang pamilyang ang pera, ang oras, at ang lakas ay ‘di kailanman naging problema; lahat ng iyon ay ‘di nauubos sa kanyang mundo. Naging magaan ang lahat, maliban sa kaloob-looban ng kanyang katawan, sa ilalim ng kulay gatas na balat nagtatago, nagpupumiglas ang pangangailangang dapat mapatid. Kamay ang unang gumalugod sa kanyang murang katawan. Lumaon ang panahon at sumubok siya ng panibagong putahe, tumikim-tikim sa mga ulam na pang-akit ang halimuyak ng pagkalalaki. Ang huling sabaw na tumaway sa kanyang mga labi ay ang lalaking nagpalaki sa kanya. Yaon ang nagsisilbing pundasyon ng kwentong tapos na niyang isalaysay.

            Iiwanan mo ang babaeng ang bawat pagkakasala’y kanyang ginusto, kanyang ninais. Maghahanap kang muli at susundan ang paliku-likong eskenita ng siyudad, hindi mapapansin ang umaapaw na dugo sa mga kanal.

 .

Ang huling babaeng iyong makikita sa paglalakad ay inulila, iniwan ng asawa, anak, kapatid, kagandahan, dignidad, lakas, at panahon. Siya na marahil si Maria, lapitan mo siya, udyok ng iyong kaluluwa. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada, ang grasang bumabalot sa kanyang katawan ang natitirang panangga sa lamig na dulot ng pag-iisa. Lalapitan mo siya at magtatanong, gaya ng mga tanong mob ago ka pa umalis sa iyong kuwarto.

            “Ikaw ba si Maria?”

            Siya noon si Maria, ngunit hindi siya sasagot, sapagkat ayaw ring sumaibabaw sa kanyang namamagang lalamunan, tuyo at nagkikiskisan, ang boses na magpapatunay na dati siyang walang kasing dalisay. Susubukan niyang sabihin sa’yo na ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman ay dahil sa kanyang pagpapabaya, hindi masasabing isa-isa niyang ibinenta na parang kagamitan, na parang hayop ang mga supling: ginawang katulong, alipin, puta, durugista, matapos mamatay ang asawang ang tanging bisyo ay ang lumaklak ng alak, manigarilyo at mambabae. ‘Di na siya binalikang muli ng mga ito. Nang wala nang maipamiling mga anak ay ang sarili ang kanyang ipinagtinda sa mga hayok sa laman, ‘di namamalayang ang bawat labing humahalik sa kanyang labi ay hihigupin ang kanyang lakas, hanggang sa pumuti ang kanyang buhok, rumupok ang mga buto, at tumigil sa pagdugo ang kanyang kaibuturan. ‘Di na sumakit ang kanyang puson ngunit sumakit nang sumakit ang kanyang puso. Iniwan rin siya ng mga ito, hanggang sa tanging mga alaalang naiwan sa kanya ay unti-unti ring lilisan. Susubukan niyang sabihing tama ang paulit-ulit na pangangaral ng mga ninuno na nasa huli ang pagsisisi, ngunit huli na ang lahat para masalita pa ang matandang babae.

            Iniwan mo ang babaeng ang mga pangarap ay tinangay ng panahon kasabay ng napakagandang pangalan, sinundang muli ang sigawan sa loob ng iyong pagkatao habang ang malansang amoy ng dugo’y unti-unting sinasakop ang bawat bahay na iyong lagpasan. Tatanggapin mong ‘di mo na kailanman makikita pa si Maria.

 .

Ang lagitik ng kandado ang huling bagay na iyong narinig bago ka umakyat sa iyong silid-tulugan. Ang mga hakbang mo sa hagdanan, pati na rin ang kiskisan ng mga tela ng iyong damit sa tuwing igagalaw mo ang iyong mga biyas, ay dating umaalingawngaw sa naka-kwadrong mga pader ng gusali. Kinuha mo ang susi mula sa iyong bulsa at ipinasok sa seradura, ngunit pati ang pagkalansing ng pagtama ng dalawang bakal ay hindi rin narinig.

            Sa pagbukas ng pinto ay makikita mo ang bakas ng dugo sa puting baldosa at ang mga kasangkapang nagkalat. Nakatindig ang isang malaking salamin sa bungad at sa iyong panganganinag ay makikita mo ang iyong sarili, bakas ang hapo sa mukha, ang tumagataktak na pawis sa iyong noo pababa sa iyong leeg, sa dibdib. Makikita mo rin ang isang babae sa iyong likuran, ang pinagmulan ng dugong dumanak sa kalahatan ng lungsod, ang dugong bumalad sa noo’y busilak na baro, nakatinging diretso sa iyong mga mata, sa iyong kaluluwa, at ang mga tinig sa kalooban ng iyong pagkatao ay para bang mga pipi, hindi na nagsasalita.

            Lilingon ka’t babanggitin ang kanyang pangalan.

And then I came across a phrase
that said, “dig deeper”,
and so I did.
The phrase became
a frequency in my head.
I could see it through the hallways
I could see it in walls; in my shoes;
in the sky;
in everything my eyesight landed over
I could feel it taking its course
within my veins
I could sense it,
because it was all i had
until I stopped
until there was nothing to dig anymore
until there was nothing
but the nothingness of life
taking over me
i buried myself to extinction

odeofsheobi:

And everyone is easily seduced by the sugar coating.

The outer layer of deceptiveness, the beautiful cruelty of false hope, the strings so far to reach, but easily binds. Hard. Painfully.

He hurts me in ways that makes me love him more, scratches so deep you couldn’t see the bottom. Just an empty void of nothingness.

But still I try, crawling to struggle and grasp the last shreds of my self-dignity, which is fading just like me.

Maybe there will come a day when I will know better, when the gaunt glass that shields my eyes will fade away, but I am tired of hoping.

I’ll just wait for the next gust of wind that will pass, so I can be taken away as easily as the dead leaf that fell from the highest branch of the strongest tree, and be lost forever.

oblivionstreet:

It’s amazing how you poison people with your words or how you stain them with your lies or enchant them with your act. You, my friend, are an incredible work of art. You tell people how damaged you have been or how afraid you are of giving too much fearing that you might lose too much too. Well, let me tell you one thing about losing. In this world we live in, you will always lose—whether it’s  little or too much. It’s what’s left that is important.

But I guess, you don’t care about what’s left. What you care for are the things you lose, about the things you’ll never get again. And those are the endless things you tell people for them to feel sorry for you. Quit telling them your sad stories to pull them in only just to push them away in the end. I really don’t get that logic. You put them at a safe distance first, and just when they’re ready to come close you run away from them. I get it. You have a big issue with trust, but you’ll never find someone worth keeping if you’re not going to try.

Make up your mind, too. You’re just as fickle as the weather. Make a decision. You just can’t always say Que Sera, Sera because sometimes, it’s not. You design your own path. If you want to stay, stay. If you want to leave, then go.

If you’re still not ready on looking for the things you’ve lost, at least take care of what’s left because if you don’t, then I don’t know what will be left of you in the end.

Things I’ve been telling myself all this time, 71414

bonfiresandsandcastles:

The sun is nigh, perhaps
, as I drift through here and there,
pointing out fluid smoke
and half-retreating has-beens.
I am staged amidst this fog, losing distant memories:
electrified lobotomized neurons of self-loathing and justifications.
And then a swift slide of wind, slashing gelatinous fumes—
the scenery reveals itself.

Dead cat
Forlorn wisp
Hi-fi stereo booming
Cracked asphalt
Dried piss
Helpless streetlamp
Dog shit

           A mosaic of insignificant Chekov’s guns,
           unsigned promissory notes, unanswered sighs,
a single chord wailing in an empty room. Never
had I pulled a breath, but now I must, for the vast street
in front of me howls for affirmation.

Solid geometries of light
           crafting itself onto the heavens
and I here, etching a shoemark on the pavement.
           The city calls for me.
Every waking road past the red light district
reminds me of the trail backwards.
But another— the constant cycle
of blue and red rampaging across the oblivious streets
and the echo of church bells banging.

The eyes transmit and the mind perceives.
Thoughts race, melting each seconds
like blurred droplets of rubbery crystals
moon-walking on a winged foil.

Or blood pulsating free from arteries and veins.
            Like your tears escaping down your porcelain skin
            Like your guts invading the room
            Like these words outliving you

The fog returns, creeping
from the barrel onto the foreground.
Enveloping me
Smothering me
Thoughts race faster, faster
than a shuttle ascending
or the sound of your death
or the gasp of the gun waiting
for my head.

zyrahsamar:

i. You left me without any warning. You let me fall into the pit of agony. You exited from my life not caring how I will about it. You are a selfish fucktard.

ii. I tried finding my way back to life. Little by little, I took steps in order to move on from you and towards happiness. It was darn painful to leave the fragments of our love behind but I cannot spend my whole life staring at it, wishing to remake the past.

iii. Through the help of my family and friends, books and cats, I was able to get through all the pain you made me suffer. Though there will be always scars left, my wounds have been healed.

iv. You came to me, begging for me to forgive you for breaking my heart. But it was too late. I’ve closed my heart from you. I’ve dumped all the possibilities we could ever have. 

v. I told you I can’t love you anymore, not in this lifetime, not ever. I left and I heard you cry.